Connect with us

Drug peddler, patay nang manlaban sa pulisya sa Ilocos Norte

Napatay ang isang hinihinalaang drug peddler matapos ang ikinasang operasyon sa Laoag City, Ilocos Norte.

Regional

Drug peddler, patay nang manlaban sa pulisya sa Ilocos Norte

Napatay ang isang hinihinalaang drug peddler matapos ang ikinasang operasyon sa Laoag City, Ilocos Norte.

Ayon kay PNP chief Police General Debold Sinas, kinilala ang nasawi na si Roel Maglinte Adaon, top 10 priority targets ng Police Regional Office 1.

Sa inisyal na imbestigasyon, nabentahan umano ng suspek ng 2 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 10,000 piso ang undercover na pulis.

Nang huhulihin na si Adaon ay agad itong nagpaputok dahilan upang gumanti ng putok ang pulis kung saan tinamaan sa dibdib ang suspek.

Isinugod pa sa Laoag City General Hospital si Adaon pero idineklarang dead on arrival.

Narekober sa crime scene ang basyo ng cal. 45 at cal. 9mm at ilang bala.

Samantala, arestado ang isang miyembro ng armadong grupo matapos ang isinagawang operasyon sa San Pablo, Laguna.

Kinilala ni PNP chief Sinas ang suspek na si Ramir Edriga Corcolon matapos isilbi ang search warrant para sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulation Act at RA 9516 o Illegal Possession of Explosives.

Narekober sa suspek ang cal. 45 pistol Colt, mga bala, hinihinalang improvise explosive device at hand grenade Mk-2 fragmentation.

Si Corcolon ay miyembro ng ASVAL Criminal Group na sangkot sa gun for hire, gunrunning at robbery extortion sa CALABARZON.

Dinala na ang suspek sa CIDG Laguna Provincial Field Unit para sa documentation at proper disposition.

More in Regional

Latest News

To Top