Connect with us

Drug den sa Tagum City, nalansag ng PDEA at PNP; 6 arestado

Drug den sa Tagum City, nalansag ng PDEA at PNP; 6 arestado

Regional

Drug den sa Tagum City, nalansag ng PDEA at PNP; 6 arestado

Nalansag ng pinagsanib na pwersa ng PDEA at PNP ang pinaghihinalaang drug den sa Tagum City, Davao del Norte.

Nangyari ito matapos na isinagawa ang isang buy-bust operation ng mga ahente at tauhan ng Davao del Norte Provincial Office ng PDEA Regional Office XI at Provincial Intelligence Branch ng Davao Norte Police Provincial Office, Tagum City Police Station at Provincial Highway Patrol Group at Davao del Norte sa Purok Aquarius, Barangay Visayan Village, Tagum City.

6 na suspek ang naaresto sa naturang operasyon ng otoridad noong Huwebes ng gabi.

Ang isa sa mga suspek ay kinilalang si Israel Labang Barabad alyas Ace na siyang nagbenta ng 1 medium plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu sa isang ahente ng otoridad na nagpapanggap na buyer.

Mga hinuling suspek sa drug den sa Tagum

Mga hinuling suspek sa drug den sa Tagum. via PDEA XI

Kinilala rin PDEA ang limang “suspected drug den visitors” na hinuli na sina George Barroga, Gregorio Itaas Jr., Merlino Ramos, Dexter Verien at Lyca Mae Lundia.

Sa kabuoan, nakakumpiska ang mga otoridad sa kanilang operasyon sa drug den sa Tagum ng 11 plastic sachet ng may lamang pinaghihinalaang shabu na may timbang na 17 gramo at nagkakahalaga ng nasa P255,000.

Mga ebidensiyang nakumpiska ng otoridad sa drug den sa Tagum

Mga ebidensiya na nakumpiska ng otoridad sa drug den sa Tagum. | via PDEA XI

Kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Section 6 (Maintenance of a Drug Den), Section 7 (Employees and Visitors of a Den), 13 (Possession of Dangerous Drugs During Parties, Social Gatherings or Meetings), Section 14 (Possession of Equipment, Instrument, Apparatus and Other Paraphernalia for Dangerous Drugs During Parties, Social Gatherings or Meetings) at Section 26 in relation to Section 5 (Attempt or Conspiracy), Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

More in Regional

Latest News

To Top