Connect with us

Dredging activities sa Marikina river, sisimulan na

Uumpisahan na ngayong araw ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang dredging activities sa Marikina River.

Metro News

Dredging activities sa Marikina river, sisimulan na

Uumpisahan na ngayong araw ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang dredging activities sa Marikina River.

Ayon kay DENR Secretary at  Task Force  Build Back Better Chairman Roy Cimatu kasama na rin sa dredging ang pag-alis sa mga istruktura na umuukupa sa easement areas.

Nais ng DENR na ibalik ang dating anyo ng ilog at alisin ang mga ilegal na umukupa na nakaapekto sa daloy ng tubig  kapag umuulan.

No description available.

Base sa land records ng DENR , nasa 25 lot parcels na may  total area ng 271,625 square meters o 27 ektarya ang ni- reclaimed ng walang kaukulang permits.

No description available.

Ito aniya ay isang paglabag sa Presidential Decree 1067 o ang Philippine Water Code.

Sabi ni Cimatu gagawin ang  pilot dredging sa bahagi ng ilog malapit sa  Marcos Highway sa Barangay Calumpang .

Sasabayan din ito ng bamboo planting activity sa river banks ng Barangay Industrial Valley Complex.

Mahalaga ang gagawing dredging dahil mababaw na ang Marikina river dahil sa natatambakan na ito ng lupa, dala ng matinding pagbaha ng mga nagdaang bagyo sa lugar.

More in Metro News

Latest News

To Top