Connect with us

DQ case, nais ipawalang-bisa ng kampo ni BBM sa Comelec

Kampo ni Bongbong Marcos, nanawagan sa mga katunggali na "lumaban ng patas"

National News

DQ case, nais ipawalang-bisa ng kampo ni BBM sa Comelec

Nais ipawalang-bisa ng kampo ni presidential aspirant at former senator Ferdinand Marcos Jr. sa Commission on Elections (COMELEC) ang petisyon na kanselahin ang kanyang Certificate of Candidacy(COC).

Naniniwala rin si Marcos na siya ay kwalipikado na maging pangulo ng Pilipinas.

Ayon pa sa legal counsel ni Marcos na si Estelito Mendoza, nakasaad sa limang pahina ang kanilang hiling na isinumite sa Comelec.

Bukod pa rito, nais din ng kampo ni Marcos na gawing face-to-face ang argumento tungkol sa petisyon at hindi sa pamamagitan ng virtual o video conferencing.

Matatandaang, ilang mga human rights group ang naghain ng petisyon para i-diskwalipika ang COC ni Marcos dahil sa bigong paghain ng income tax returns mula 1982 hanggang 1985.

 

More in National News

Latest News

To Top