Connect with us

DPWH Sec. Villar, pinuri ni PRRD bilang isang mahusay na manggagawa

Aminado si Pang. Rodrigo Duterte na hindi nito alam kung gaano kahusay si Department of Public Works and Highway (DPWH) Sec. Mark Villar bilang isang road czar sa ilalim ng Build, Build, Build program ng gobyerno.

National News

Sa ekslusibong panayam ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa SMNI Exclusive, sinabi ng Pangulo na napahanga ito kay Villar.

Ayon kay Pang. Duterte, isang napakahusay na serbisyo ang ibinigay ni Villar sa flagship program ng gobyerno – ang Build, Build, Build.

Kwento pa ng pangulo, noong una ay duda siya na magagawa ni Villar ang trabaho nito bilang kalihim ng DPWH dahil anak ito ng isang kilalang pamilya nina Senator Cynthia Villar at dating Senate Presidente Manny Villar.

“He’s a very good worker, talagang may alam. I thought kasi anak ng mayaman, ito si [Mark Villar], baka mag-secretary lang dahil for the glory of it. Noong nagtrabaho, bilib ako. Sabi ko, he is really a worthy son of Cynthia and Manny Villar,” ayon sa Pangulo.

Samantala, pinuri naman ni Pastor Apollo ang maayos na pamumuno ni Pang. Duterte sa natitirang taon ng termino nito bilang presidente at binigyang-diin ang kahusayan nitong pumili ng matatalinong gabinete na napakalaki ng naitulong para matupad nito ang pangakong pagbabago at kaunlaran sa bansa.

More in National News

Latest News

To Top