Connect with us

DPWH Sec. Villar, nagsagawa ng unang 1st drive-thru sa Estrella-Pantaleon Bridge

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasinaya ng bagong Estrella Pantaleon Bridge na nagkokonekta sa mga lungsod ng Makati at Mandaluyong.

National News

DPWH Sec. Villar, nagsagawa ng unang 1st drive-thru sa Estrella-Pantaleon Bridge

Nagsagawa ng unang 1st  drive-thru sa kahabaan ng bagong Estrella-Pantaleon Bridge si Department of Public Works and Highways (DPWH)  Secretary Mark Villar.

Ayon kay Villar, kumpleto na at malapit nang buksan ang Four-Lane 506.46-meter pre-stressed concrete Rigid Frame Bridge sa Pasig River na nagkokonekta sa Mandaluyong at Makati.

Sa ngayon, tinatapos ng construction team sa ilalim ng implementation supervision ng DPWH upmo-roads management cluster 1 ang ancillary works kabilang ang protective barriers at railings, at drainage system sa magkabilang parte nito.

Ang bagong tulay ay idinisensyo para kakayanin ang malakas na lindol.

Ang ₱1.46-billion Estrella-Pantaleon Bridge ay bahagi ng EDSA decongestion program na magkakaroon din ng bicycle lane.

Inaasahang kayang maserbisyuhan ng nasabing tulay ang 50,000 sasakyan kada araw at bababa sa 12 minuto ang biyahe sa pagitan ng Makati at Mandaluyong.

More in National News

Latest News

To Top