Connect with us

DPWH, magsasagawa ng road reblocking and repair ngayong weekend

DPWH, magsasagawa ng road reblocking and repair ngayong weekend

National News

DPWH, magsasagawa ng road reblocking and repair ngayong weekend

Abiso sa mga motorista!

 

Magsasagawa ng road reblocking and repair ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong weekend.

 

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magsisimula ang pagsasaayos ng kalsada alas-11 ng gabi, Abril 30.

 

Kabilang sa apektado ang EDSA northbound, malapit sa Kaingin road, Quezon City; EDSA northbound, Quezon Avenue hanggang sa harap ng Landmark, first lane mula bike lane at EDSA southbound, sa tapat ng Trinoma Mall, second lane mula sidewalk.

 

Apektado rin ang Agham Road, harap ng Office of the Ombudsman, first lane mula center island at West Avenue, Times street hanggang Quezon Ave., first lane mula sidewalk.

 

Muli madadaanan ang mga nabanggit na kalsada, alas-5 ng madaling araw sa Lunes, Mayo 3.

 

Inaabisuhan ang mga motorista na iwasan ang pagdaan sa mga nasabing lugar at gumamit muna ng alternatibong ruta dahil sa inaasahang traffic buildup.

More in National News

Latest News

To Top