Connect with us

DPWH, bubuksan na sa mga motorista ang Toll-free CLLEX sa Mayo

Bubuksan na ang isang bahagi ng Central Luzon Link Expressway (CLLEX) simula May 15, 2021.

National News

DPWH, bubuksan na sa mga motorista ang Toll-free CLLEX sa Mayo

Bubuksan na sa mga motorista ang isang bahagi ng Central Luzon Link Expressway (CLLEX) simula May 15, 2021.

Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark A. Villar, ang 18-kilometer section na nagdudugtong ng Subic-Clark-Tarlac Expressway at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway sa Balingcanaway, Tarlac City hanggang Aliaga interchange sa Nueva Ecija ang siyang bubuksan para sa mga motorista.

Dahil dito, maari nitong mapaiksi ang travel time mula Tarlac City hanggang Cabanatuan City mula 70 minutes, magiging 20 minutes na lamang.

“The 4.10 kilometer Tarlac section and 6.40 kilometer Rio Chico River bridge section including 1.5 KM Rio Chico Viaduct are already completed while the 9.20 kilometer Aliaga section and 10.30 kilometer Cabanatuan section 78.46 and 85.04 percent accomplished, respectively”,  ani Villar.

Bukod pa rito, may karagdagan 4.8 kilometer na bahagi ng expressway project mula sa junction ng Carmen-Cabanatuan road, ito ay ang Zaragoza interchange section.

“We are seeing a quality infrastructure that will benefit around 11,200 motorists and commuters daily and ease traffic at daang maharlika highway about to be delivered by the president rodrigo roa duterte administration”.

Ang P11.811 billion expressway project na ito ay bahagi ng Build, Build, Build Program ng Adminstrasyon Duterte.

Layunin ng CLLEX na mapabilis ang pagdadala ng mga magsasaka ng kanilang mga ani sa Central Luzon at Metro Manila maliban sa pagbabawas ng travel time ng publiko.

More in National News

Latest News

To Top