Connect with us

DOTr, hinimok na ayusin ang problema sa maintaining balance ng RFID

Hinimok ni Senator Grace Poe ang Department of Transportation (DOTR) na pag-aralan ang buong proseso ng cashless payment sa mga tollways upang maiwasan ang miscalculation na maaaring ika-perwisyo ng mga motorista.

National News

DOTr, hinimok na ayusin ang problema sa maintaining balance ng RFID

Hinimok ni Senator Grace Poe ang Department of Transportation (DOTr) na pag-aralan ang buong proseso ng cashless payment sa mga tollways upang maiwasan ang miscalculation na maaaring ika-perwisyo ng mga motorista.

Sa isang pahayag, sinabi ni Poe na siya ring chairperson of the senate committee on public services na dapat hindi na pahirapan pa ang mga motorista matapos silang sundin ang regulasyon ng pamahalaan na lumipat sa cashless toll system.

Nauna nang nag-isyu ang DOTr ng department order no. 2020-012 na gagawing mandatory ang contactless transactions sa mga expressways upang malimitahan ang human interaction bilang parte ng pamahalaan na mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Sinabi din ni Poe na ipinamamahagi na ng mga toll operators ang mga Radio Frequency Identification (RFID) ng libre at kailangan na lang tignan ng DOTr ang required balance ng RFIDs at ang posibleng singil nito sa pagkakarga ng load upang masiguro na hindi na maaabala ang mga motorista.

Giit ni Poe, iwasan na ang paniningil ng mga hindi kailangang deposito o mas mataas na maintaining balance kesa sa mga gagamitin nito dahil aniya ay sapat na ang paghihirap na dinaranas ng mga tao.

More in National News

Latest News

To Top