Donita Nose, positibo sa COVID-19

Showbiz

Inanunsyo ni Comedian-TV host na si Donita Nose na nagpositibo siya COVID-19 kahapon,Hulyo a-27.

Ayon sa komedyante, hindi na daw siya nagulat na nagpositibo siya dahil naramdaman daw niya lahat ng sintomas ng isang carrier ng COVID-19.

Bago daw siya nagpa-test ay may haka-haka na siya na positibo siya sa naturang sakit at nakumpirma lamang nang sumailalim sa COVID-19 test.

Dagdag pa ni Donita na mahirap daw magpositibo dahil bawat galaw niya ay hinihingal na daw siya agad at mag-isa lang siya sa lahat ng bagay dahil bawal siya lapitan.