Connect with us

DOLE, ikinababahala ang pagtaas ng unemployment rate dahil sa sunod-sunod na bagyo

Ikinababahala ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang posibleng pagtaas ng unemployment rate sa buong bansa dahil sa sunod-sunod na kalamidad na naka-apekto sa maraming rehiyon.

National News

Ayon kay Labor Assistant Secretary Dominique Tutay, nakatakda pa lang determinahin ng ahensya ang eksaktong bilang ng mga manggagawang apektado ng sunod-sunod na bagyong tumama sa bansa sa nakalipas na mga linggo.

Ani Tutay, malalaman ang totoong epekto ng mga nagdaang bagyo sa employment rate ng bansa sa oras na isagawa ng Philippine Statistics Authority ang susunod na labor force survey.

Ngunit dagdag ni Tutay, base sa datos na dumating sa DOLE, nasa 300,000 hanggang 400,000 pamilya mula sa rehiyon ng Bicol, CALABARZON, at MIMAROPA ang inilikas sa kanilang mga tahanan dahil sa mga bagyo.

Dagdag niya, nagrerekober pa lamang ang bansa mula sa epekto ng COVID-19 pandemic sa ekonomiya at employement nang tamaan ng bagyo ang bansa.

Sa kabila nito ay siniguro naman ni Tutay na gumagawa na ng hakbang ang DOLE upang magsagawa ng emergency employment para sa mga apektado ng mga nagdaang bagyo.

More in National News

Latest News

To Top