DOLE trabaho empleyado ABS-CBN

DOLE, iginiit na hindi agad mawawalan ng trabaho ang mga empleyado ng ABS-CBN

National News

Iginiit ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi agad mawawalan ng trabaho ang mga empleyado ng ABS-CBN.

Ito ay matapos ihain ng National Telecommunications Commission (NTC) ang ‘cease and desist’ order sa giant network.

Dahil rito, hindi maaaring magpatuloy ang TV at radio stations na nasa ilalim ng ABS-CBN Corporation network sa buong bansa.

Binigyang-diin ni Labor Secretary Silvestre Bello III na mayroon legal remedies ang naturang network.

Aniya, mananatili ang mga empleyado ng ABS-CBN sa kabila ng inisyung cease and desist order.

Paliwanag ni Bello, hindi otomatikong winawakasan ang corporate existence ng anumang kumpanya.

Samantala, iginiit ng labor chief na mahalagang maprotektahan ang karapatan maging ang kapakanan ng mga manggagawa kabilang na rito ang ABS-CBN workers.