Humihingi ngayon ng extension ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa Kingdom of Saudi Arabia para palawigin ang deadline ng pagpapauwi sa 274 na mga labi ng mga OFWs na nasawi sa naturang bansa.

DOLE, humingi ng extension sa Saudi sa pagpapauwi ng mga nasawing OFWs

National News

Humihingi ngayon ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa Kingdom of Saudi Arabia para palawigin ang deadline ng pagpapauwi sa 274 na mga labi ng mga nasawing OFWs sa naturang bansa.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, dahil sa mga protocols ng Saudi Government, Ministry of Health at ng mga ospital na kinaroroonan ng mga labi, malabo nang maiuwi ang mga nasawing OFWs bago mag-Hulyo 4.

Dahil dito, sinabi ni Sec. Bello na nakikipag-ugnayan na sila ngayon sa KSA para sa nasabing extension.

Paglilinaw naman ng kalihim na titiyakin nilang mai-uuwi pa rin ang mga labi ng mga OFW.

Una nang sinabi ng DOLE na nasa 301 na ang nasawing OFWs sa Saudi dahil sa COVID-19 at natural causes kung saan mahigit 20 na ang nailibing doon.