Connect with us

Dokumento kaugnay ng war on drugs, handang ilabas ng PNP

Dokumento kaugnay ng war on drugs, handang ilabas ng PNP

National News

Dokumento kaugnay ng war on drugs, handang ilabas ng PNP

Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) na maglabas ng mga dokumento kaugnay ng war on drugs.

Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, wala silang itinatago lalo’t nakikipagtulungan sila sa ginagawang pag-aaral ng Department of Justice (DOJ) sa nasabing kampanya ng gobyerno.

Naibigay na rin anya nila sa DOJ ang record ng 53 drug-related cases na naresolba ng  PNP-Internal Affairs Service (IAS).

Sa ngayon ay hindi pa maibigay ng PNP ang iba pang record dahil sa nakabinbing apela ng mga pulis.

Maliban dito, kailangan ding magpaalam ng PNP sa Department of Interior and Local Government (DILG) na siyang may mandato sa organisasyon bago maglabas ng mga dokumento.

More in National News

Latest News

To Top