Connect with us

DOJ, tinukoy ang 5 ahensya na sentro ng korupsiyon sa gobyerno

Tinukoy na ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang limang ahensya na magiging prayoridad ng kanyang task force sa pag-iimbestiga ukol sa korupsiyon.

National News

DOJ, tinukoy ang 5 ahensya na sentro ng korupsiyon sa gobyerno

Tinukoy na ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang limang ahensya na magiging prayoridad ng kanyang task force sa pag-iimbestiga ukol sa korupsiyon.

Ayon kay Guevarra, 5 ahensya ang magiging target ng investigation team na pangungunahan ng Department of Justice (DOJ).

Ito aniya ay ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Department of Public Works and Highways (DPWH), Bureau of Customs (BOC), Bureau of Internal Revenue (BIR) at Land Registration Authority (LRA).

Sinabi ni Guevarra na nagsimula na ang imbestigasyon sa ilan sa mga ahensya na ito habang ang iba ay tinawag na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang public address dahil sa alegasyon ng korupsiyon.

Batay aniya sa direktiba ng pangulo, dapat ikonsidera ng task force ang magnitude ng pondo na sangkot at ang epekto nito sa pagbibigay ng serbisyo ng gobyerno sa pagpili kung alin ang iimbestigahan.

Sa public address ng pangulo kahapon, ipinag-utos nito sa inter-agency task force sa pangunguna ng DOJ na imbestigahan ang korupsyon sa lahat ng government agencies.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top