Mga gumaling sa COVID-19 sa bansa, dumarami

DOH, walang naitalang nasawi sa COVID-19 sa nakalipas na 24 oras

COVID-19 UPDATES

Nadagdagan pa ng 1,395 ang kumpirmadong kaso ng Coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa bansa.

Sa pinakahuling update ng Department of Health (DOH),as of 4 pm, wala itong naitalang nasawi  sa COVID-19 nakalipas na 24 oras.

Dahil dito, nananatili parin sa 1,314 ang kabuuang bilang ng namatay sa COVID-19 .

Nadagdagan naman ng  225 ang bilang ng mga nakarekober kung saan umabot na sa kabuuang  12, 813 .

Sa ngayon, nasa 51,754 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa naturang bilang  bilang 37,627 ang kabuuang ng active cases.