Connect with us

DOH, pinagkalooban ng mga PPEs at medical devices ng WHO

Nakatanggap ang Department of Health (DOH) ng donasyon na mga Personal protective equipments (PPE) at medical devices mula sa World Health Organisation (WHO) ngayong araw.

National News

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, kabilang sa ipinagkaloob ng WHO ay ang nasa 230,900 pirasong gowns, mahigit 400,000 na KN95 masks, face shields na 187,800 pcs, googles na mahigit 159,000 piraso at surgical masks na 552,000 piraso.

Kasama rin sa ibinigay ng WHO ang 350 units ng oxygen concentrators na magiging malaking tulong sa mga may breathing disorder.

Sinabi ni Duque na ite-turnover ang mga donasyon sa Office of Civil Defense na siyang namamahala sa accounting at distribution ng mga health commodities.

Lubos naman ang pasasalamat ng DOH sa WHO dahil sa kanilang patuloy na suporta sa COVID-19 response ng gobyerno.

More in National News

Latest News

To Top