Connect with us

DOH, pinaalalahanan ang publiko na mag-ingat laban sa COVID-19 ngayong holiday season

Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang mga holiday shoppers kasama na ang mga nasa Divisoria na mag-ingat dahil sa mas mataas ang peligro ng COVID-19 sa mga mas matataong lugar.

National News

Sinabi ni DOH USec. Marie Rose Vergeire ang paalala dahil sa nagsisimula nang magsiksikan ang mga mamimmili sa mga sikat na pamilihan gaya ng Divisoria para sa nalalapit na holiday season.

Dagdag nito, bagaman naiintindihan nila na sabik at gusto nang magpunta sa mga mall ng mga tao upang mamili ng pangregalo at pamasko, aniya ay nandyan pa rin ang virus.

Aniya, kahit na magsuot ng facemask o faceshield ay maaari pa ring makakuha ng virus kung pupunta pa rin sa masisikip na lugar at walang social distancing.

Sa huli ay sinabi ni Vergeire na hangga’t maaari ay iwasan ang pagpunta sa mga matataong lugar at humanap na lamang ng ibang paraan kung papaano idadaos ang ganitong aktibidad.

More in National News

Latest News

To Top