Connect with us

DOH, nanawagan sa independent experts na mag-ingat sa pagpapahayag ukol sa COVID-19 situation

Kumalat na sa 13 mula sa 17 rehiyon sa bansa ang Delta variant.

National News

DOH, nanawagan sa independent experts na mag-ingat sa pagpapahayag ukol sa COVID-19 situation

Hinimok ng Department of Health (DOH) ang mga independent expert na mas maging maingat sa kanilang pahayag patungkol sa sitwasyon ng bansa sa gitna ng pandemya.

Sa inilabas na statement ng kagawaran, sinabi nito na pinapahalagahan nila ang mga gawain ng mga independent expert ngunit umaapela ang DOH na maging maingat ang mga ito sa pagpahayag ng COVID-19 situation ng Pilipinas upang hindi magdulot ng panic at takot sa publiko.

“DOH values the work of independent experts but appealed to them to be more careful in making pronouncements in terms of the national situation, as this may cause more panic and fear,” ang pahayag ng kagawaran.

Hindi naman binanggit ng Health Department kung sino ang tinutukoy nito na grupo.

Ngunit ang naturang pahayag ay inilabas matapos sinabi ng OCTA Reasearch Group na nakakaranas na ng COVID-19 surge ang National Capital Region (NCR) sa gitna ng pagka-detect ng Delta variant.

Iminungkahi rin ng OCTA na dapat magpatupad kaagad ng dalawang linggong lockdown ang pamahalaan para maagapan ang pagkalat pa ng naturang mas nakakahawang variant.

Ayon sa DOH naoobserbahan niila ang pagtaas na trend ng covid-19 cases sa Metro Manila ngunit waka pang tiyak na katibayan na mayroon ng panibagong surge sa rehiyon.

“While there is an observed increase in cases, there is no definitive evidence of a surge in the National Capital Region.”

Saad ng DOH base sa kasalukuyang data analysis ng Epidemiology Bureau ng DOH at FASSSTER, nasa moderate-risk ang NCR.

19% ang itinaas ng two-week growth rate o TWGR nito at may average daily attack rate na 6 cases per 100,000 population.

May positive TWGR ang Makati, Las Piñas, Pasay, Pasig, Taguig, Paranaque, Manila, Valenzuela, Navotas, and Marikina, at Caloocan.

May high-risk ADAR naman ang Makati, Las Piñas, at Pasay. GFX: NCR AREAS WITH HIGH-RISK ADAR
Sinabi ng DOH na mahigpit nila na minomonitor ang araw-araw na trend ng mga kaso at tinutukoy kaagad ang mga lugar na may mataas na transmission rate.

Pagdating naman sa health care capacity ng bansa saad ng health department mababa ang utilization rate ng health care at intensive care unit.

Minomonitor rin ng DOH ang nakabinbin na emergency room admissions.

Ayon kay Health Underseretary Maria Rosario Vergeire, kinikilala nila na magkaiba ang ginagamit na metrics o sukatan at pamamaraan ng analysis ng kagawaran at ng independent experts, ngunit pareho lang ang kanilang layunin na mapababa at mapabuti ang healthcare system ng bansa.

Pahayag pa ng DOH, “While we acknowledge the differences in the metrics and methods of analysis used by these independent groups, we share the same goal to keep the case numbers down and improve the healthcare system of the country.”

More in National News

Latest News

To Top