Connect with us

DOH, nakapagtala ng karagdagang 1,639 kaso ng COVID-19 sa bansa

Umabot na sa 415,067 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa covid-19 sa Pilipinas.

National News

DOH, nakapagtala ng karagdagang 1,639 kaso ng COVID-19 sa bansa

Umabot na sa 415,067 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa covid-19 sa Pilipinas.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 1,639 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong araw, Nobyembre 20.

Ayon sa DOH, ang top 5 areas na nakapagtala ng pinakamaraming bagong kaso ng sakit ay ang Davao City na may 113, Laguna na may 76, Quezon City at Rizal na may tig-75 at Cavite na may 63.

Umabot naman sa 375,237 ang total recoveries matapos itong madagdagan ng 305 habang 27 ang nadagdag sa mga nasawi dahilan para umabot na sa 8,025 ang death toll dahil sa COVID.

Nasa 31,805 naman ang nanatiling active cases kung saan 84.7 % dito ang mild, 8.1 % ang asymptomatic, 2.4 % ang severe, 4.5 % ang nasa critical condition at 0.21 % ang nasa moderate condition.

Samantala,iniimbestigahan na ng (DOH) ang sitwasyon ng mga nurse na kanilang ipinadala sa Sorsogon.

Ito ang inihayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa virtual briefing matapos ang reklamo ni Sorsogon Governor Chiz Escudero na walang natatanggap na sahod ang mga ito.

Ayon kay Vergeire, tinawagan na nila ang regional health director at finance officers ng probinsya para malaman ang isyu at matugunan ito sa lalong madaling panahon.

Sa twitter post ni Escudero kagabi, sinabi nito na sa 11 nurses na ipinadala ng DOH para karagdagan sa kanilang mga ospital sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic, 2 lamang ang nakakuha ng sahod para sa dalawang buwan sa kabila ng pagtatrabaho ng limang buwan.

Ang natitirang siyam naman aniyang nurse ay walang nakuhang sahod matapos magtrabaho ng mahigit isang buwan.

Sinabi ni Escudero na isang nurse na lamang ang naiwang nagtatrabaho sa kanilang probinsya.

Sinabi pa ni Health Undersecretary Vergeire matapos i-anunsyo Presidential Spokesperson Harry Roque na binigyan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Food and Drug Administration ng otoridad upang magbigay ng emergency used authorization sa mga COVID-19 vaccine.

Nilinaw nito na kailangan pa rin ng approval ng bansa ang lahat ng mga bakuna ng covid-19 na pinayagan na ng ibang bansa para sa emergency use.

Ani Vergeire, dadaan pa rin ang mga bakunang ito sa vaccine experts panel, ethics board, FDA at sa health technology assessment team ng bansa bago mabigyan ng authorization.

Dagdag pa ni Vergeire, saka pa lamang ito bibilhin ng bansa kung na-isyuhan na ito ng emergency use authorization.

Kabilang sa mga bansa na mayroon ng mga mechanism patungkol sa pag-isyu ng emergency use authorization ay ang United States, China, 17 miyembro ng European Union Australia, Japan at iba pa.

Sa ngayon ang COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer-Biontech at ang Moderna palamang ang napapatunayang 94% effective na panlaban sa nakamamatay na virus.

More in National News

Latest News

To Top