Connect with us

DOH, nakapagtala ng dagdag 16 na kaso ng Delta variant sa bansa

Nakapagtala ang Department Of Health (DOH) ng dagdag na 16 na kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa.

National News

DOH, nakapagtala ng dagdag 16 na kaso ng Delta variant sa bansa

Nakapagtala ang Department Of Health (DOH) ng dagdag na 16 na kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa.

Sa kanilang regular forum, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang mga bagong kaso ay binubuo ng 5 returning Overseas Filipinos at 11 local cases.

Sa 11 local cases, sinabi ni Vergeire na 6 dito ay naitala sa Region 10 kung saan lahat ay nakarekober na at ang 2 ay nadetect sa Metro Manila kung saan isa ang nasawi habang ang isa ay nakarekober.

Nakapagtala rin ng isang local case sa Region 3 habang dalawa sa Region 6 na pawang nakarekober na.

Samantala, sa 5 ROF cases, isa ang dumating sa bansa mula United Kingdom noong April at nakarekober na matapos sumailalim sa 14-day quarantine.

Ang dalawang ROF cases naman ay dumating mula Qatar noong Hunyo 15 at nakarekober na rin sa COVID-19.

Sinabi ni Vergeire na beneperipika pa ng DOH ang arrival date at quarantine status ng huling dalawang ROF cases.

More in National News

Latest News

To Top