Connect with us

DOH, nakapagtala ng 1,990 karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,990 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ngayong araw, Oktubre 13.

National News

DOH, nakapagtala ng 1,990 karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,990 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ngayong araw, Oktubre 13.

Dahil dito, sumampa na sa 344,713 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus sa bansa.

Ayon sa DOH, nananatiling may pinakamaraming bagong kaso ang Metro Manila na nakapagtala ng 580.

Sinundan ito ng Cavite na may 114, Rizal na may 105, Laguna na may 100, at Misamis Oriental na may 94.

Sa nasabing bilang ng confirmed cases, nasa 44,958 ang nananatiling active cases.

Nasa 293,383 naman ang kabuuang bilang ng mga gumaling matapos itong madagdagan ng 327.

Habang pumalo na sa 6,372 ang bilang ng mga nasawi sa coronavirus matapos makapagtala ang DOH ng 40 new deaths ngayong araw.

More in National News

To Top