DOH nagbabala third wave

DOH, nagbabala sa third wave ng COVID-19 sa bansa

National News

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko kaugnay sa nakaambang ‘third wave’ ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ito ay kung hindi mag-iingat ang mga residente at hindi pagsunod sa panuntunang ipinapatupad sa gitna ng quarantine protocols.

Ayon kay Dr. John Wong, isang epidemiologist, kasalukuyan kasing nasa ‘second wave’ na ang Pilipinas sa COVID-19.

Aniya, posibleng magkaroon ng ‘third wave’ sa bansa sa oras na tanggalin na ang enhanced community quarantine (ECQ). Ito ay kung hindi ipagpapatuloy ng mga Pilipino ang pagsunod sa physical distancing, hand hygiene, at madalas na paglilinis.

Sa ngayon, nakikita ng DOH ang pagkakaroon ng ‘flattening of the curve’ dahil sa pagbagal ng naitatalang kaso at nasasawi sa COVID-19 sa bansa.

Gayunman, iginiit naman ni Wong na magiging tagumpay lang aniya ang bansa kapag nagkaroon na ng bakuna laban sa virus.