Connect with us

DOH, nagbabala sa COMELEC sa pagpayag na makaboto ang COVID-19 positive

Pilipinas, pumangalawa sa mga bansa sa Southeast Asia na may pinakamaraming COVID-19 cases

National News

DOH, nagbabala sa COMELEC sa pagpayag na makaboto ang COVID-19 positive

Binalaan ng Department of Health (DOH) ang COMELEC na posibleng maging dahilan ng pagkalat pa ng COVID-19 cases ang pagpayag sa mga COVID-19 patient na makaboto sa 2022 election.

Ito ay matapos ihayag ng COMELEC na posibleng maglagay sila ng isolation center sa polling places para makaboto pa rin ang mga positive individual.

Sa press briefing, binigyan-diin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na maaring makahawa sa ibang tao ang isang positibong tao kapag lumabas ng kanilang kwarto o lugar.

Sinabi ni Veregeire na umaasa sila na mayroong ibang alternatibong paraan para dito ang comelec gaya ng posibilidad na pagboto ng mga COVID-19 patient virtually o sa pamamagitan ng SMS.

Sa ngayon ay patuloy pa rin nakararanas ang Pilipinas ng pagtaas ng bilang ng COVID-19 dahil sa Delta variant.

More in National News

Latest News

To Top