Connect with us

UK variant ng COVID-19, may na-detect na sa Pilipinas – DOH

Kinumpirma ng Department of Heath at ng Philippine Genome Bio surveillance na sila ay naka detect ng UK variant ng COVID-19 sa bansa.

National News

UK variant ng COVID-19, may na-detect na sa Pilipinas – DOH

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) at Philippine Genome Center na may na-detect silang UK variant ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay matapos ang genome sequencing sa mga Pinoy na dumating sa bansa mula sa United Arab Emirates noong Enero a-siyete.

Nakita ang nasabing UK Variant ng COVID-19 sa isang lalaki na residente sa Quezon City na nagtungo sa Dubai noong Disyembre at dumating sa bansa noong ika-7 ng Enero.

Dahil dito, nanawagan ang DOH sa lahat ng mga pasahero ng Emirates Flight no. EK 332 na makipag-ugnayan sa kanilang Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) para sa gagawing contact tracing.

Sa ngayon, nakaquarantine na  ang lalaking nakitaan ng UK variant ng COVID-19 maging ang kanyang mga nakasalamuha.

Narito ang pahayag ng DOH at Philippine Genome Center;

 

 

Dahil dito nagpaalala ngayon ang DOH sa publiko, “Following the detection of the more transmissible UK variant here in the country, the Department of Health reiterates that mode of transmission has not changed.”

“This means that the Minimum Public Health Standards remain to be the effective measure against the spread of the disease.”

“Local Government Units are also urged to be extra vigilant and ensure strict implementation of existing quarantine and isolation protocols.”

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top