pag-recruit ng mga health workers

DOH, hihingi na ng tulong sa pag-recruit ng mga health workers

National News

Nakikipag-usap na ang Department of Health (DOH) sa mga unibersidad at iba pang institusyon na maaaring makatulong sa pag-recruit ng mga health workers na maaaring magtrabaho sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa media briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergerie na kaunti nalang ang mga health workers gaya ng nurse na nag-aapply sa emergency hiring program ng pamahalaan.

COVID-19 crisis sa bansa, posibleng umabot pa sa susunod na taon - DOHHindi naman masabi ni Vergeire kung ang kakulangan ng aplikante ay bunsod ng takot ng mga ito na mahawaan ng COVID-19.

Siniguro ng DOH officials sa mga possible applicant na bibigyan ang mga ito ng pamahalaan ng kinakailangang proteksyon para sa health workers sa gitna ng pandemya.

Hanggang Hulyo 26, sinabi ni Vergeire na mayroon nang na-hire ang gobyerno ng 6,002 healthcare workers gaya ng mga doktor at nurse sa ilalim ng emergency hiring program.