Inirerekomenda ng DOH ang paggamit ng flu at pneumonia vaccines upang mapigilan ang dagdag na komplikasyong dulot ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

DOH at FDA, nagbabala sa pagkalat ng mga pekeng bakuna laban sa COVID-19

National News

Binalaan ng Department of Health (DOH) at ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko kaugnay sa mga nagbebenta ng pekeng bakuna na panlaban umano sa COVID-19.

Kasabay nito ay tiniyak ni Dr. Eric Domingo ng FDA na naka-alerto na ang kanilang mga tauhan laban sa mga nagbebenta ng pekeng bakuna.

Kaugnay naman niyo ay kinumpirma ni Dr. Domingo na sa ngayon ay 166 na ang mga pinag-aaralang vaccines para sa COVID-19 at 140 sa mga ito ay na-testing na sa libu-libong mga hayop at tao.

Batay din aniya sa pinakahuling ulat mula sa Department of Science and Technology (DOST) ay anim na tinatawag na mga candidates vaccines ang sumasailalim na ngayon sa clinical trial sa Pilipinas.