Connect with us

DND Sec. Lorenzana, iginiit ang soberanya ng Pilipinas sa Ayungin Shoal

DND Sec. Lorenzana, iginiit ang soberanya ng Pilipinas sa Ayungin Shoal

National News

DND Sec. Lorenzana, iginiit ang soberanya ng Pilipinas sa Ayungin Shoal

Iginiit ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang soberanya ng Pilipinas sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.

Sa isang pahayag, sinabi ni Lorenzana na ang Ayungin Shoal ay nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ) kung saan may sovereign rights ang bansa.

Ang EEZ aniya ay binigay sa Pilipinas ng 1982 UNCLOS kung saan pinagtibay ito ng China.

Ayon kay Lorenzana, meron ang Pilipinas ng 2 dokumento na nagpapatunay na meron ang bansa ng sovereign rights sa EEZ habang ang China ay wala at ang kanilang teritorial claim ay walang basehan.

Dahil dito, iginiit ni Lorenzana na maaring gawin ng Pilipinas ang lahat sa Ayungin Shoal at mismong ang China ang nagtetrespassing.

Ang pahayag ni Lorenzana ay tugon sa sinabi ni Chinese Foreign Ministry Spokesman Zhao Lijian na Ayungin Shoal ay bahagi nh Nansha Qundao ng China.

More in National News

Latest News

To Top