Connect with us

DND, nakipagpulong sa opisyal ng French Ministry for Europe and Foreign Affairs

DND, nakipagpulong sa opisyal ng French Ministry for Europe and Foreign Affairs

National News

DND, nakipagpulong sa opisyal ng French Ministry for Europe and Foreign Affairs

Nakipagpulong si Defense Secretary Delfin Lorenzana kay Director for Asia and Oceania Bertrand Lortholary ng French Ministry for Europe and Foreign Affairs sa Department of National Defense (DND) sa Camp Aguinaldo.

Sa pulong ng dalawang opisyal, binigyang-diin ni Lortholary na prayoridad ng France ang Africa at ang Indo-Pacific sa ilalim ng kanilang pamumuno sa Council of the European Union (EU) sa 2022.

Ipinahayag din niya ang patuloy na interes ng France sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.

Muli namang iginiit ni Lorenzana na patuloy na nakikipag-ugnayan ang Pilipinas sa ibang claimant states ng pinagtatalunang teritoryo sa pamamagitan ng mapayapa at diplomatikong paraan.

Nabatid na ang maikling pagbisita ni Lortholary sa Manila ay bahagi ng kanyang working tour sa Southeast Asia.

More in National News

Latest News

To Top