Inihayag ng palasyo na hindi apektado ang distribusyon ng SAP o Social Amelioration Program sa gitna ng expiration ng ‘The Bayanihan to Heal  as One Act'.

Distribusyon ng SAP, magpapatuloy kahit expired na ang The Bayanihan to Heal as One Act

National News

Inihayag ng palasyo na hindi apektado ang distribusyon ng SAP o Social Amelioration Program sa gitna ng expiration ng ‘The Bayanihan to Heal  as One Act’.

Ito ang inanunsyo ni Presidential Spokesman Harry Roque kung saan mapapaso na ngayong araw ang Bayanihan to Heal as One Act kung saan nakapaloob ang pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagpapatuloy naman ang pamamahagi ng cash aid mula sa pangalawang bugso ng SAP sa mga waitlisted beneficiaries sa Bulacan.

Kaugnay nito, nakatanggap na ng tulong pinansyal mula SAP ang waitlisted beneficiaries sa Kabayan, Benguet; Balaoan, la Union; at Mabalacat, Pampanga.

Inaasahan na matatapos ang pangalawang distribusyon ng SAP sa mga waitlisted beneficiaries sa linggong ito.

Ang waitlisted beneficiaries ay batay sa isinumiteng certified list ng Local Government Units (LGUs).

Ito ay bahagi ng 5 milyon na bagong pangalan na iniutos ni Pangulong Duterte na bigyan ng ayuda.