Connect with us

Disqualification case laban kay BBM, wala sa batas – KBL

Disqualification case laban kay BBM, wala sa batas - KBL

National News

Disqualification case laban kay BBM, wala sa batas – KBL

Inilabas na ng Kilusang Bagong Lipunan (KBL) ang kanilang opisyal na pahayag hinggil sa inihaing disqualification case laban kay presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Ayon sa KBL, sa kasaysayan ng eleksyon sa bansa hindi kabilang ang disqualification sa mga multa o fine.

Bukod pa rito, sinabi rin ng KBL na nauna nang nakapag-desisyon ang Korte Suprema na hindi matatawag na moral turpitude ang hindi paghain ng income tax return bagama’t hindi ito isinapubliko ni Justice Carpio.

Bukod pa rito, naniniwala rin ang KBL na wala na sa tamang oras ang paghain ng petisyon kung kaya’t dapat na itong i-dismiss.

Dagdag pa ng KBL, nakasaad sa Rule 23 Section 2 ng rules of procedure ng Commission on Elections (COMELEC) na ang isang petisyon na ikansela ang certificate of candidacy ay dapat ihain sa loob ng limang araw pagkatapos ng huling araw nang paghahain ng COC at hindi rin dapat ito lumampas na 25 days mula nang maghain ng COC si BBM.

Samantala, tinitiyak ng KBL party na patuloy itong magtatrabaho sa bansa at sa kampanya para sa 2022 general elections kabilang ang adopted vice presidential candidate na si Davao City Mayor ‘Inday’ Sara Duterte.

Nakatakda namang dinggin ng COMELEC ang petisyon laban kay Bongbong Marcos sa Nov. 26.

More in National News

Latest News

To Top