Connect with us

Director ng FDA, pinakakasuhan ng Anti-Red Tape office

Director ng FDA, pinakakasuhan ng Anti-Red Tape office

National News

Director ng FDA, pinakakasuhan ng Anti-Red Tape office

Pormal ng inendorso ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) sa Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kaso laban sa isang opisyal ng Food and Drug Administration (FDA) – Center for Drug Regulation and Research dahil inupuan lang ang daan-daang drug application.

Open Photo

Ayon sa ARTA, nabigo si FDA-CDRR Director Jesusa Joyce Cirunay na gampanan ang kanyang trabaho at dahil sa hindi pag-aksyon sa takdang panahon ng pagproseso ng mga isinumiteng aplikasyon sa kanyang tanggapan base sa R.A. 1032 o Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.

Batay sa record ng ARTA ay umabot sa 412 na aplikasyon ang hindi naaksyunan ni Cirunay at kabilang sa mga hindi naaksyunang Automatic Renewal drug application ay naisumite sa FDA- CDRR noon pang 2014.

Ipinaliwanag ng ARTA na dapat ay may 20-araw ang FDA base na rin sa kanilang charter para i-release at iproseso ang mga aplikasyon para sa renewal ng registration kapag nakakumpleto naman ng requirements ang aplikante.

More in National News

Latest News

To Top