Ibinebenta na ni Elite Team Owner Dioceldo Sy ang kanyang anim na taong Philippine Basketball Association (PBA) franchise na Blackwater.

Dioceldo Sy, ibinebenta na ang PBA franchise na Blackwater

Sports

Ibinebenta na ni Elite Team Owner Dioceldo Sy ang kanyang 6 na taong Philippine Basketball Association (PBA) franchise na Blackwater.

Ayon kay Sy, nasagad na siya matapos na pagbantaan ang kanyang team ng multa at sanction ng PBA at ng games ng amusement board dahil sa paglabag nito sa safety and protocols ng PBA matapos na magsagawa ng practice session.

Giit ni Sy, wala siyang nakikitang rason kung bakit nila nilabag ang protocols dahil mayroon lamang silang dalawang manlalaro na nage-ensayo.

Ibinebenta ni Sy ang prangkisa ng Blackwater sa halagang P150 milyon.

Ani Sy, ito na ang pinaka-maliit na presyo na maaari niyang ibenta sa prangkisa at kung hindi pa ito maibebenta agad ay ipagpapatuloy pa rin nila ang paglalaro sa PBA.

Sa ngayon ay wala pa namang komento si PBA Commissioner Willie Marcial sa desisyon ni Sy na ipagbili ang prangkisa nito.