Connect with us

Dingdong Dantes, nakatanggap ng parangal sa 15th Seoul International Drama Awards

Nakatanggap ng parangal si actor Dingdong Dantes sa 15th Seoul International Drama Awards na isa sa nagwagi ng Asian star prize.

Showbiz

Dingdong Dantes, nakatanggap ng parangal sa 15th Seoul International Drama Awards

Nakatanggap ng parangal ang aktor na si Dingdong Dantes sa 15th Seoul International Drama Awards na isa sa nagwagi ng Asian star prize.

Kaugnay ito sa pinoy remake ng Descendants of the Sun.

Gayunpaman, ayon sa aktor, ang parangal na natanggap niya ay iniaalay niya sa lahat ng mga frontliners at kapwa Pilipino.

Samantala, lubos namang nagpasalamt ang aktor sa lahat ng sumuporta sa remake na ginawa ng DOTS.

Natapos naman na ngayon ng aktor ang kanilang taping at kinakailangan pa nitong sumailalim ng quarantine bago makabalik sa kaniyang pamilya.

Samantala, tinanggihan naman ni Marian Rivera ang magiging proyekto sana nitong ‘First Yaya’ dahil sa protocols sa taping dahil sa panganib na dala ng Coronavirus Disease 2019.

Lock-in kasi ang taping at kailangan din niyang sumailalim sa self quarantine bago makauwi.

Ani Marian, maliliit pa ang kanyang  mga anak at hindi niya kakayaning hindi makauwi sa kanilang bahay ng ilang araw.

 

 

 

More in Showbiz

To Top