Connect with us

DILG, tiwalang bababa ang kaso ng COVID-19 sa pag-iral ng MECQ

DILG Sec. Año, COVID-19 free na

Metro News

DILG, tiwalang bababa ang kaso ng COVID-19 sa pag-iral ng MECQ

Tiwala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na bababa ang bilang kaso ng COVID-19 sa muling pagpapatupad ng Modified Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila.

Sinabi ni Secretary Eduardo Año na naniniwala siya na sa loob ng 15 araw ay bababa ang bilang ng mga infected.

Kinakailangan lamang aniya na huwag nang maging pasaway at sumunod sa mga ipinatutupad na protocols.

Inihayag din ni Año na hindi na ito pabor sa muling pagpapalawig ng MECQ dahil sa masamang magiging epekto nito sa ekonomiya ng bansa.

Tiniyak naman ng kalihim na kanilang pag-aaralan ang figures pagtapos ng MECQ ay gagawa ng hakbang upang mabalanse ang sitwasyon ng health at economy ng Pilipinas.

More in Metro News

To Top