anti-terror

DILG, dapat bigyang pokus ang pandemya at hindi ang anti-terror bill – Sen. Pangilinan

National News

Binatikos ni Senator Francis Pangilinan ang Department of the Interior and Local Government sa pag-una nito sa anti-terror bill.

Sa isang pahayag sinabi ni Pangilinan, na imbis na pagtuunan ng pansin ng DILG ang health crisis sa bansa ay nangangalap pa ito ng suporta para sa naturang anti-terror bill.

Giit pa ng mambabatas na habang abala ang mga lokal na pamahalaan sa pagtulong sa ating mga apektadong kababayan ay naisisinggit pa ng ahensiya ang anti-terror bill.

Tanong pa ng senador, suporta ba talaga ang nais ipaabot ng DILG sa gobyerno o ‘loyalty check’ para sa mga kaalyado ng administrasyon?

Kasunod nito ay nanawagang muli si Pangilinan sa gobyerno na paigtingin ang contact tracing sa bansa, pauwiin ang mga locally stranded individual at suportahan ang mga local government unit sa kanilang kampanya para sugpuin ang COVID-19.