Connect with us

Digital payments para sa ayuda, daan sa vote buying – Rep. Rodriguez

Tutol ang isang mambabatas para sa pagbuo ng digital payments para sa pamamahagi ng ayuda sa ilalim ngayon ng isinusulong na Bayanihan 3.

National News

Digital payments para sa ayuda, daan sa vote buying – Rep. Rodriguez

Tutol ang isang mambabatas para sa pagbuo ng digital payments para sa pamamahagi ng ayuda sa ilalim ngayon ng isinusulong na Bayanihan 3.

Ayon kay Deputy Speaker at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, posibleng magamit sa vote buying ang pagpatutupad ng digital payment lalo pa at papalapit na ang eleksyon.

“The digital payments and these applications will be used, may be used by local officials who have this particular data to give election money for elections. That is one Madam Chair, so how could we have this?”aniya.

Batay kasi sa section 6 ng bill, inaatasan ang local government units, DSWD at DILG na ipamigay ang 1K ayuda ng Bayanihan 3.

Hinihikayat din ang mga ito na magpatupad ng digital payments o iba pang minimal face-to-face transactions dahil parin sa banta ng COVID-19 pandemic sa payout centers.

Dagdag ni Rodriguez,“The LGUs will now establish digital payments. How are we sure Madam Chair that this digital payments that will be used for ayuda will not be used by the local leaders? How are we going to make sure? Because once they have that list, others now are putting… There’s already a tracing and the staysafe of DILG. Some local governments are putting their own Madam Chair. So therefore ang problema diyan sa mga ganyan is the problem of the coming elections.”

Ang Bayanihan 3 na may P405.6 billion na pondo ang isinusulong ngayon sa Kamara para magbigay ng ayuda sa mga labis na nangangailangan ngayong may pandemya.

Bukod dito, pina-tatanggal rin ang residency requirement para sa mga Pinoy na tatanggap ng ayuda.

Batay kasi sa section 5 ng Bayanihan 3, kailangang nasa Pilipinas ng hindi bababa sa anim na buwan ang isang Pinoy para mabigyan ng ayuda.

Sinabi Rep. Rufus Rodriguez, “There are millions abroad who have not been able to come home because of the pandemic. We will be disqualifying them. So if we will not be through anymore. According to section 4, each of every filipino living at the time of the promulgation of this act will be given the ayuda. If you put this residence requirement eh many Filipino are abroad, ah millions and they will be shut off from this.”

Sa ngayon, 293 na mga kongresista ang nagpahayag maging co-author ng Bayanihan 3.

Ayon sa mga nagsusulong nito, 9 na kongresista na lamang ang hindi pa nagpahayag ng suporta sa panukala.

Itutulak din ng ilang kongresista ang pagkakaroon ng special session para mas mapadali pa ang pagsasabatas nito.

More in National News

Latest News

To Top