Connect with us

DFA, hinimok na umaksyon sa pang-aatake sa ilang Filipino senior citizens sa US

Pinagagalaw ni Ako-Bicol Party-list Rep. Alfredo Garbin ang Department of Foreign Affairs (DFA) na tiyakin ang kaligtasan ng Filipino migrant workers at ang Filipino-American communities sa bansa.

National News

DFA, hinimok na umaksyon sa pang-aatake sa ilang Filipino senior citizens sa US

Pinagagalaw ni Ako-Bicol Party-list Rep. Alfredo Garbin ang Department of Foreign Affairs (DFA) na tiyakin ang kaligtasan ng Filipino migrant workers at ang Filipino-American communities sa bansa.

Ito’y matapos malaslas ang mukha ng isang senior citizen na Pinoy gamit ang box cutter habang papasakay ito sa subway sa New York.

Sa San Diego, California isang ring Filipina senior ay inatake at sinapak nang walang kaabog-abog habang naglalakad sa daan.

“We hope the DFA prods the authorities in the US to make sure future assaults are prevented and the person who attacked the lola is arrested and charged,” ayon sa mambabatas.

Diin ni Garbin, sana ay mahimok ng DFA ang US Authorities na paigtingin ang pagbabantay upang maagapan ang mga susunod na pag atake at mahuli ang salarin sa dalawang Filipino related attacks.

“I request the Department of Foreign Affairs to express to the United States authorities, through our embassy and consulates, the necessity of protecting our citizens and fellow Filipinos,” diin ni Garbin.

Sa ngayon ay gumagalaw na ang Asian American communities sa US para sa pagbuo ng volunteer groups para escortan at bantayan ang senior citizens.

Kaugnay nito, pinayuhan naman ng embahada ng Pilipinas at consulates general sa United States ang mga Pilipino doon na lubos na mag-ingat.

Kasunod ito ng pagtaas ng bilang ng mga pag-atake laban sa Asian Americans sa iba’t ibang bahagi ng Estados Unidos.

Pinapayuhan din ng embahada ang mga Filipino na makararanas ng pag-atake na agad tumawag sa 911 para ireport ang insidente.

Kaugnay nito, nagpasalamat ang Philippine Embassy sa agarang aksyon ng ilang local authorities sa Amerika para mahuli ang mga nasa likod ng mga pag-atake.

Gayunman, nanawagan pa rin ang embahada sa federal, state at local authorities na tiyakan pa ang proteksyon ng mga indibidwal na may Asean descent.

 

More in National News

Latest News

To Top