Connect with us

Development projects ni Pang. Duterte, matatapos bago ang kanyang termino

Development projects ni Pang. Duterte, matatapos bago ang kanyang termino

National News

Development projects ni Pang. Duterte, matatapos bago ang kanyang termino

Kumpiyansa ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte na matatapos ang lahat ng development projects ng administrasyon bago matapos ang kanyang termino.

Ito ang inihayag ng pangulo sa kanyang pag-inspeksiyon sa Zamboanga City seaport development project sa Port of Busay, Zamboanga City.

Masaya naman ang pangulo sa mga nakumpletong proyekto sa ilalim ng Build Build Build program at pag-usad ng developments project sa kanyang termino.

Naniniwala naman si Pang. Duterte na sa pamamagitan ng mga nakumpletong proyekto, marami ang maihahatid nitong trabaho sa mga pilipino lalo na sa mga kanayunan.

Nahiya man aniya ang pangulo na sabihin, ngunit dapat din niyang ibida na ang lahat ng kanyang ipinangako sa kanyang pangangampanya noon ay kanyang natupad.

Samantala, tiniyak naman ni Pangulong Duterte na kailanman ay hindi niya kokonsentehin ang gawain ng terorismo sa bansa.

Hindi rin siya titigil hangga’t hindi nalilipol ang mga terorista kaya mananatili ang low and order ng mga militar sa buong Pilipinas upang mapanatili ang kaayusan.

Sinabi pa ng pangulo na sila ang dahilan kung bakit hindi umuusad at mabagal ang pag-unlad sa mga kanayunan.

More in National News

Latest News

To Top