Connect with us

Desisyon ni PRRD na maging malapit sa China, nakatulong ng malaki sa bansa – Political expert

Hindi maikakaila na mas malapit sa China ang Duterte Administration kumpara sa mga nagdaang administrasyon.

National News

Desisyon ni PRRD na maging malapit sa China, nakatulong ng malaki sa bansa – Political expert

Hindi maikakaila na mas malapit sa China ang Duterte Administration kumpara sa mga nagdaang administrasyon.

Ito ay kahit may tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Political Analyst Prof. Austin Ong, pinakinabangan ng maraming Pilipino ang mas malapit na relasyon ng Pilipinas at China.

Pinakabagong tulong na natanggap ng bansa ngayon ay ang bakuna kontra COVID-19.

“So tinatanong natin diba bakit itong si China merong P1.5 billion people actually less than 15-20% lang ang nabakuna rin nila na mga Chinese so malaki rin ang pagka-kailangan ng bansa nila. Pero inuna pa nilang magtulong sa mga iba-ibang bansa. Sa ngayong panahon zero ang nakuha natin sa Amerika. Pero alam natin nga nabanggit mo kanina China had donated already 1 million doses of the Sinovac na pinroprotektahan ang mga medical at militar na frontliner natin pati ang taong bayan natin, ” ani Prof. Ong.

Bukod sa bakuna, inisa-isa rin ni Ong ang iba pang tulong ng China sa ilalim ng Administrasyong Duterte.

Ayon sa kanyang pahayag, “Not only the bakuna ano, China donated billions in medical supplies. Food packs in the critical months directed to Philippine frontliners. Hindi pa to kasama yung mga Chinese companies at Chinese private organizations no. Ito yung time mga March, April last year na yung US mismo nagha-hijack, nagpa-pirate ng mga medical supplies galing China,”

“And sa pagkakaibigan natin, more than 50-70 Philippine airplaines including Phil. Airforce entered China for medical supplies. Kumbaga pinaaano na tayo na diretso na tayo kumuha ng mga materyales para hindi na maagaw ng mga ibang bansa no,”

Sinabi pa ni Ong na ang pagiging-malapit sa China ay nakakapagbigay din ng pabor kung saan maaari at handa itong magpautang ng P50 million para sa pagbili ng ibang bakuna kapag kailangan pa ng bansa.

Dagdag pa ni Prof. Austin Ong, “Of course yung better internet dahil sa 3rd telco cooperation na nag-iimprove na mga internet natin. Yun ding sinasabi nila na over 30,000 Filipino teachers nagtuturo ng english sa mga Chinese na estudyante. Sa internet lang no so malaking pakikinabang ito especially ngayong pandemic, mahirap marami walang trabaho.”

“Over 30,000 din Filipino workers are working in China projects in the Philippines. Yung mga Build Build Build (BBB) natin mga bridges, mga kalsada mga infrastrucure natin ano and then skills training for thousands of Filipinos.”

Pati sa Marawi seige, pagpapagawa ng tulay, pondo pampagawa  ng dams at iba pa ang naitulong ng China sa bansa.

“Ang nakikita natin is President Duterte’s independent foreign policy friendship with all enemies with none talagang nakapagbigay ng mga benepisyo sa taumbayan. Hindi lang sa imprastraktura, sa investment sa tourism, sa trabaho sa mga oppurtunities.”

More in National News

Latest News

To Top