DEPED kontradiksyon Duterte

Deped: Walang kontradiksyon sa anunsyo ng ahensya at ni Pang. Duterte kaugnay sa pagbubukas ng klase

National News

Binigyang-diin ng Department of Education (DepEd) na walang kontradiksyon sa naging anunsyo ng ahensya at ni Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa pagbubukas ng klase.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones na walang kontradiksyon at pagsuway na ginawa ang kagawaran sa nais ng Presidente na pagbabawal ng face-to-face na klase sa nakatakdang opening of classes.

Giit pa ni Briones, masusunod pa rin ang direksyon ng Pangulo sa sinasabi nitong ayaw niya ng klase na dikit-dikit at ma-expose ang mga bata sa COVID-19.

Dagdag pa ni Briones, sa learning continuity program ng DepEd, pinakamahalaga at pinaka-importanteng concern sa edukasyon ay ang health at safety ng kabataan maging ng mga guro.