Connect with us

DepEd, tatanggap pa rin ng mga late enrollees hanggang sa Agosto

Umabot na sa halos 24 milyon ang bilang ng mga nakapag-enroll na mag-aaral sa buong bansa.

National News

DepEd, tatanggap pa rin ng mga late enrollees hanggang sa Agosto

Tatanggap pa rin ang Department of Education (DepEd) ng mga late enrollees hanggang sa pagbubukas ng klase sa Agosto 24.

Ito ay dahil nasa 7 milyon pa na inaasahang mag-aaral ang hindi nakapag-enroll sa kasagsagan ng enrollment period.

Sinabi ni Education Undersecretary Revsee Escobedo na ang mababang bilang ng mga nag-enroll ay bunsod ng epekto ng COVID-19 pandemic.

Aminado rin si Escobedo na maraming magulang ang nawalan ng trabaho bunsod ng pandemya.

Bukod dito, sinabi ni Escobedo na nangangamba pa rin ang mga magulang sa kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga anak.

Gayunman, tiniyak ng DepEd sa mga magulang na magiging ligtas ang mga estudyante sa pagpapatupad ng blended learning sa nalalapit na school year.

Patuloy namang hinihikayat ang mga magulang na ipalista bilang mga late enrollees ang kanilang mga anak para sa susunod na pasukan.

Nauna namang nagsabi si DepEd Secretary Leonor Briones na ligtas ang mga mag-aaral sa susunod na pasukan dahil sa isasagawang blended learning.

Maliban dito, sinabi rin ng kalihim na may kanya-kayang pamamaraan at adjustments ang mga rehiyon sa bansa upang maipagpatuloy ng ligtas ang pag-aaral ng mga bata depende sa kakayahan ng kanilang lugar.

Sa katunayan din aniya ay binibigyan ng reading materials ang mga bata at may mga munisipyo naman na nagbibigay ng tulong pinansyal para pambili ng mga materyales na gagamitin para sa kanilang pag-aaral.

 

https://credit-n.ru/order/zaim-moneykite.html быстрый займ онлайн на карту сбербанкасрочно взять займзайм на карту онлайн без процентов займ студентам на картузайм 80000займ под залог птс в кемерово blitz займзайм через интернетзайм 0 процентов займ воронежзайм в кивизайм в день обращения пайпс займвеббанкир займ личный кабинетзайм капуста оформить займ на карту сбербанказайм под низкий процентзайм до зарплаты онлайн

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top