enrollment pampublikong paaralan

DepEd, nakahanda na sa manual learning

National News

Nakahanda na ang Department of Education (DepEd) sa manual learning para sa mahihirap na mga mag-aaral na walang access sa radyo, telebisyon, at internet.

Ito ang ipinabatid ni DepEd Secretary Leonor Briones kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Pahayag ni Briones, mayroong learning modules na ibibigay sa mga Local Government Unit (LGU) na pwedeng kunin ng mga magulang upang masagutan sa bahay, at kalaunan ay personal naman itong kukunin ng mga guro.

Sa kabilang banda, nabanggit ng Education Secretary na mula June 1 hanggang June 15 ay umabot na sa 10.6 million learners ang nag-enroll online kung saan Region IV-A ang may pinakamaraming bilang ng enrollees.

Kaugnay nito, ibinahagi ni Briones na nakipag-usap na ito sa dalawang telecommunication companies ukol sa pagbibigay ng libre ang access sa internet.

Matatandaan na hindi pumayag si Pangulong Duterte na maibalik ang face-to-face classes sa pagbubukas ng mga paaralan sa August 24 hangga’t walang nabubuong bakuna laban sa COVID-19.