Connect with us

DepEd, inilabas na ang guidelines para sa student grading and assessment

Inilabas na ng Department of Education ang guidelines para sa student grading and assessment at updated calendar para sa bagong school year

National News

DepEd, inilabas na ang guidelines para sa student grading and assessment

Inilabas na ng Department of Education ang guidelines para sa student grading and assessment at updated calendar para sa bagong school year sa gitna nang ipatutupad na distance learning dahil sa COVID-19 pandemic.

Batay sa Department order no. 30, magsisimula ang school year 2020 to 2021 ngayong araw, Oktubre 5 at magtatapos sa Hunyo 11, 2021.

Magsisimula naman ang Christmas break sa December 19 at muling mababalik ang klase sa January 4, 2021.

Samantala, inilista rin sa order no. 31 ang guidelines para sa student assessment and grading na ipatutupad ngayong school year.

Ayon sa kautusan, ipagpapatuloy ng mga guro ang pagsasagawa ng mga quiz at long o unit tests, maging ng performance-based tasks.

Ang performance-based tasks ay kinabibilangan ng skill demonstrations, group presentations, oral work, multimedia presentations, at research project.

Habang hinihimok lamang ng DepEd ang mga private school, technical and vocational institutions at higher education institutions na nag-aalok ng K-12 basic education na sumunod sa assessment at grading guidelines ng kagawaran.

 

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top