DepEd iniimbestigahan na ang isinagawang graduation ceremony sa Camarines

National News Regional

Iniimbestigahan na ng Department of Education (DepEd) ang isinagawang pagdaraos ng graduation ceremony sa Daet, Camarines Norte.

Ito ay matapos magviral ang video ng umano graduation ceremony sa barangay Dogongan kung saan makikitang iisang face mask lamang ang pinagsalit-salit na ipinagamit sa mga estudyante.

Nagkasa na ng fact-finding investigation ang Division Investigation Committee (DIC) na binuo ng DepEd Region v.

Hiningan naman ng written explanation ng regional office ang mga sangkot sa naturang paglabag.

Nakikipag-ugnayan na din ang ahensya sa Baranggay Health Response and Emergency Team (BHRET) ng Dogogan at sa lokal na pamahalaan upang magsagawa ng precautionary measure.

Ayon sa DepEd, siniseryoso nila ang pagtugon sa sitwasyon at sinisigurong ng ahensya agad nila itong aaksyon upang mapigilan ang ganitong klaseng paglabag pa sa hinaharap.

Kasabay nito, muling ipinaala ng kagawaran na nanatiling suspendido ang pagdaraos ng anumang face-to-face graduation at moving up rites habang mayroong health crisis na nararanasan sa bansa.