Connect with us

DepEd, handa na sa pagbabalik ng face-to-face classes sa 120 paaralan

Handa na ang Department of Education (DepEd) sa pagbabalik ng face-to-face classes ng 120 paaralan.

National News

DepEd, handa na sa pagbabalik ng face-to-face classes sa 120 paaralan

Handa na ang Department of Education (DepEd) sa pagbabalik ng face-to-face classes ng 120 paaralan.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi Education Secretary Leonor Briones na mahabang panahon ang kanilang ginugol para pag-aralan ang implementasyon ng pilot face-to face classes sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Briones, hinihintay na lamang nila ang go signal ng pangulo para sa pagbabalik ng klase ng 100 na pampublikong paaralan at 20 na pribadong paaralan.

Sinabi ng kalihim na base sa payo ng medical experts, dapat iprayoridad sa pagbabalik ng face-to-face casses ang mga younger learners dahil kinakilangan ng mga ito na madevelop ang kanilang socialization skills, study habits, at good manners and right conduct.

Base sa record ng DepEd, nasa 27.5 milyong estudyante ang nag-enroll para sa School Year 2021-2022, mas mataas sa 26.2 milyon na naitala noong nakaraang school year.

More in National News

Latest News

To Top