Connect with us

DENR, sisimulan na ang imbestigasyon sa quarrying sa Mayon

Iimbestigahan na ng task force mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang laki na pinsalang dinulot ng quarrying ga mga ilog sa paligid ng bulkang Mayon.

National News

Ito ay matapos na matabunan ng mudslide at lahar flow ang ilang komunidad sa Guinobatan town nang manalasa ang bagyong Rolly sa probinsya ng Albay.

Magsisimula ang imbestigasyon sa kabila ng paniniwala ng mga provincial officials kabilang na si Gov. Al Francis Bichara na hindi ang quarrying ang naging dahilan ng lahar avalanch na kumitil sa buhay ng hindi bababa sa 6 na tao at bumaon sa nasa 180 na bahay sa dalawang bayan sa Guinobatan.

Ayon kay Mines and Geoscience Bureau Regional Director, Guillermo Molina, ang 9-member task force ay binubuo ng mining engineers, geologist at volcanologist mula sa DENR, Department of Public Works and Highways (DPWH), at Philippine Institute of Volcanology ang Seismology at representatives mula sa mga lokal na pamahalaan.

Ang task force ay mayroong 15 araw upang magsumite ng comprehensive assessment at rekomendasyon sa nangyaring imbestigasyon.

More in National News

Latest News

To Top