Connect with us

DENR-NCR, muling bubuksan ang inilunsad na community pan-tree

Tuloy-tuloy pa rin ang pag-papatupad ng national greening program ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa gitna ng pandemya.

Metro News

DENR-NCR, muling bubuksan ang inilunsad na community pan-tree

Muling bubuksan ng Department of Environment and Natural Resources – National Capital Region (DENR-NCR) ang inorganisa nitong community pan-tree.

 

Batay sa announcement ng ahensya, may 4 hanggang may 6, 2021 mula 9 ng umaga hanggang 12 ng tanghali ang naturang community pan-tree.

 

Isasagawa naman ito sa DENR-NCR technical services compound, North Avenue, Diliman, Quezon City.

 

Ang community pan-tree ng DENR ay unang inilunsad noong abril 23 bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng earth day ngayong taon.

 

Layunin nito ang ma-engganyo ang publiko na magsimula na ng urban gardening bilang paraan na mawala ang stress dulot ng pandemya.

 

Sa nasabing pan-tree, mamimigay ang DENR ng seedlings ng fruit-bearing trees at vegetables sa lahat ng interesado na magtanim.

 

More in Metro News

Latest News

To Top