Connect with us

DENR, binati ni Pangulong Duterte sa tagumpay ng Manila Bay “white sand” project

Binati ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu sa tagumpay nito sa dolomite sand project sa Manila Bay.

National News

Sa kanyang ulat sa bayan, sinabi ni Pangulong Duterte na sa hamon pa lang nito kay Cimatu na gawin ang naturang proyekto ay positibo na ang tugon ng kalihim na magagawa niya ang utos na ipinagkaloob sa kanya.

Ani pangulo, ” Napabilib niya ako when he accepted my dare.”

Dagdag pa nito, nagpapakita lamang ito ng determinadong aksyon ng isang opisyal ng gobyerno na nakahandang gumawa ng kung ano ang ikabubuti sa bansa.

Sambit ng punong-ehekutibo, dahil sa tagumpay ng naturang proyekto ay kahit papaano nagdulot ito ng kasiyahan sa mga tao sa gitna ng nararanasang hirap dulot ng pandemya.

“Now people are enjoying the area with the white sand kahit papaano. You do it, may masabi sila, you don’t do it, may masabi sila.”

Mababatid na binuksan sa publiko ng dalawang araw ang bahagi ng Manila Bay na tinambakan ng dinurog na dolomite roks mula sa Cebu.

Kasabay ng pagbubukas ng Manila Bay white sand ay idinaraos din ang International Coastal Clean up Day  kung saan naghakot ng mga itinapong basura sa karagatan.

More in National News

To Top