Connect with us

Demolisyon sa kabahayan sa Quezon City, hindi lehitimo ayon sa lokal na otoridad

Iginiit ng Barangay Central sa Quezon City na walang ginawang koordinasyon sa kanila at iligal ang ginawang demolisyon sa kabayahan ng kanilang residente.

National News

Demolisyon sa kabahayan sa Quezon City, hindi lehitimo ayon sa lokal na otoridad

Iginiit ng Barangay Central sa Quezon City na walang ginawang koordinasyon sa kanila at iligal ang ginawang demolisyon sa kabayahan ng kanilang residente.

Sa report ni Kristel Guangco sa SMNI news, makikitang wasak na ang mga tirahan ng ilang residente sa kalye Guinoo sa Barangay Central.

No description available.

 

No description available.

Ayon sa mga residente, nasunugan sila taong 1996 at nakiusap sila sa may-ari na pansamantala munang maninirahan dito.

Pinayagan naman sila at makalipas ang mahigit dalawang dekada ay nanatili sila sa lugar.

Aniya, nakatira rin sa loob ng lupain ng private business ang mga trabahante nito.

Pero Disyembre ng nakaraan taon isa-isa ng pinaalis ang mga ninirahang trabahante nito.

At ngayong Pebrebro inabisuhan na rin sila na umalis sa lugar at pinapirma ng isang kasulatan.

sa sulat, binigyan sila ng isang buwang palugit para lisanin ang lugar.

Ipinaabot  ng ng kanilang team sa Barangay Central ang sitwasyon ng mga residente.

Agad namang nagtungo ang mga opisyal ng barangay sa lugar at sinubukang kausapin ang representate ng may-ari ng private property.

Dito na napag-alaman na hindi lehitimo ang ginawang demolisyon.

Sinabi ni Ralf Magpayo, ang Executive officer ng barangay na hindi na sakop ng private business ang kinatatayuan ng mga tirahan ng mga residente.

Saad pa ni Magpayo, ipatatawag nila ang may-ari ng lupa sa barangay at titingnan kung maaari itong makasuhan.

More in National News

Latest News

To Top